Muling ikakasa ng Philippine National Police ang balasahan sa kanilang Command Group o ang matataas ng opisyal ng organisasyon.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, nakatakda nang magretiro si Deputy Chief PNP for Operations at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag sa April 24.
Kaya naman inirekomenda nya kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagtatalaga kay The Chief of the Directorial Staff o TCDS PLt.Gen. Joselito Vera Cruz bilang kapalit ni Binag.
Habang ang kasalukuyang hepe ng Directorate for Integrated Police Operation o DIPO Northern Luzon na si PLt.Gen. Ephraim Dickson naman ang ipapalit nya kay Vera Cruz bilang TCDS na siyang number 4 man ng PNP.
Papalit naman kay Dickson sa Directorate of Integrated Police Operations (DIPO) Northern Luzon ang kasalukuyang Director ng Human Resource and Doctrine Development ng PNP na si PMGen. Emmanuel Abu.
Sakaling aprubahan ng DILG ang balasahan sinabi ni PNP Chief na magiging epektibo ito bukas, April 20.