Ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang recalibrated approach sa kanilang kampanya kontra iligal na droga sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, layon nitong tutukan ang mga source at supply chain o ang mga high-value drug personalities, imbes na mga maliliit na pusher at user.
Naniniwala si Marbil na mas epektibo ang ganitong istratehiya na magpupokus sa ugat ng problema sa pamamagitan ng less-bloody drug war campaign.
Kasama sa bagong istratehiya ang mas pinaigting na intelligence operations at mas pinalakas na ugnayan sa komunidad.
Nabatid na mula July 1, 2022 hanggang July 31, 2024, nakasabat na ang PNP ng aabot sa P36.5B halaga ng ipinagbabawal na gamot mula sa kaliwa’t kanang drug related operations.
Facebook Comments