PNP, magpapatupad ng gun ban sa Linggo kasabay ng Trillion Peso March

Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagdaraos ng Trillion Peso March sa Linggo.

Sa memorandum na inilabas ng PNP, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa Metro Manila.

Ang nasabing suspensyon ay magiging epektibo simula Sabado, Nobyembre 29 ng 12:01 ng umaga hanggang Lunes, Disyembre 1 ng 11:59 ng gabi.

Ito ay kasunod na rin ng inaasahang dagsa ng makikilahok sa nasabing kilos protesta .

Ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang Law Enforcement Agencies o LEAs na magsasagawa ng opisyal na trabaho at mga agency-prescribed uniforms ang pwede lamang magdala ng nasabing mga armas.

Kaugnay nito, epektibo na ngayong araw ang full alert status ng National Capital Region Office o NCRPO para masiguro ang kahandaan at seguridad para sa gaganaping Trillion Peso March .

Facebook Comments