Mahigpit na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang One-Strike Policy.
Ito’y kaugnay sa walang habas na pagpapaputok ng baril ngayong Pasko at bagong taon.
Sakop ng kautusan ang lahat ng Police Commander at Chief of Police na hindi agad maaaksyunan ang mga kaso ng Indiscriminate Firing.
Ayon kay PNP Deputy Chief of Operations, Lt/Gen. Camilo Cascolan, ‘zero incident’ sa Indiscriminate Firing at stray bullet ang target nila sa 2020.
Babala ng PNP na kakasuhan ng grave misconduct ang mga pulis na mahuhuling magpapaputok ng baril.
Una nang sinabi ng PNP na walang mangyayari pagseselyo sa baril ng mga pulis.
Facebook Comments