PNP, magpapatupad ng revamp bago ang eleksyon

Naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa halalan sa 2022.

Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, ngayon pa lamang ay hinahanap na nila ang mga private armed group na posibleng maging aktibo habang papalapit ang eleksyon.

“Ngayon pa lang ay talagang pinapalakas na natin, the different police region offices through the regional directors… to identify itong mga private armed groups na inactive o magiging active, hinahanap na natin yan tapos magsasagawa na tayo ng intelligence monitoring at kung kinakailangan case build-up na,” ani Eleazar sa interview ng RMN Manila.


Posible ring magkaroon ng relyebo sa hanay ng PNP.

Kabilin-bilinan aniya ni DILG Secretary Eduardo Año, walang pulis ang dapat na makisawsaw sa pulitika.

“Hindi pu-pwede makisawsaw ang ating pulis sa pulitika, so we are identifying sino yung mga possible na ma-transfer o irelyebo natin o magkaroon ng revamp para hindi ito pagsimulan ng may kinikilingan lalo na yung pagsisimulan pa ng karahasan.”

Facebook Comments