Magre-recruit ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 17,000 pulis ngayong taon bilang bahagi ng kanilang internal cleansing.
Sa isang panayam, sinabi ni bagong talagang PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na layon nitong alisin ang korapsyon, padrino system at palakasan sa PNP.
Tiniyak niya na tanging mga pinakamahuhusay at kwalipikado lamang ang kanilang kukunin.
Gagamitan ng QR code system ang recruitment process para maiwasan ang padrino system.
Sa ilalim nito, qualifications lamang mga aplikante ang makikita at hindi ang kanilang pangalan at mukha.
Facebook Comments