PNP, magsasagawa ng cadet admission test sa buong bansa

Manila, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police Academy na magsasagawa sila ng magkakasunod na PNPA Cadet Admission Test na tinawag nilang PNPA Entrance Exam ngayon araw na ito sa lahat ng Test Centers sa buong bansa.

Nagsimula kaninang alas-7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga kung saan ang mga nagnanais na sumali na residente ng Southern Metro Manila, ang lugar ng examination ay gaganapin sa Fort Bonifacio High School na matatagpuan sa JP Rizal Extention, West Rembo, Makati City.

Ayon kay P/ Senior Inspector Despi Rojas ang sinuman gusto maging kasapi ng PNP Cadet ay makipag ugnayan lamang sa kanya kung anu ano ang mga kakailanganin at kwalipiskasyon.


Umaasa ang opisyal na maraming ang kabataan ang nagnanais na pumasok bilang isang pulis para maglingkod sa sambayanang Filipino.

Facebook Comments