PNP, magsasagawa ng command conference ngayong araw

Pululungin ngayong araw ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang mga miyembro ng kanyang command group.

Kasama dito ang directoral staff, regional directors at director ng National Support Units.

Aniya tatalakayin sa command conference ang mga stratehiya at policy directions para sa taong 2020.


Partikular na dito ang flagship campaigns ng PNP kontra krimen, iligal na droga, terorisma, korapsyon at iba pa.

Samantala, dagdag pa ng opisyal, na sa kabila na magiging prayoridad din nila ang mga high value target pagdating sa illegal drug trafficking, magiging ‘evidence based’ at transparent umano ngayon ang PNP dahil sa mga paparating na body cameras sa Abril o Mayo.

Facebook Comments