Magsasagawa ng lifestyle check ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga tauhan nito para malaman kung sinu-sino sa mga miyembro ang posibleng sangkot sa korapsyon at iba pang uri ng ilegal na aktibidad.
Ito ang pahayag ni PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng malawakang kampanya laban sa korapsyon hanggang sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Ayon kay Cascolan, dapat lamang na mapatalsik sa police force ang mga mapapatunayang dawit sa korapsyon.
Ang anti-corruption drive ng PNP ay isasagawa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Internal Affairs Service (IAS).
Facebook Comments