PNP magsasagawa ng security adjustment matapos ang umano’y suicide bombing sa Indanan Sulu

 

Magpapatupad ang Philippiine National Police ng security adjustment sa buong bansa.

 

Ito ay kasunod ng nangyaring umanong suicide bombing sa Indanan Sulu partikular sa isang military camp.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde iniutos nya na sa mga PNP commanders na kailangang pagitingin ang kanilang security protocols upang maiwasan na ang kahalintulad na pangyayari.


 

Lalo’t nagiba na ng taktika ang mga terorista kung saan gumamit na ng mga Filipinong suicide bombers.

 

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit agad nag taas sa full alert status ang National Capital Region Police Office upang mapigilan ang anumang karahasan gagawin pa ang mga terorista.

 

Sa pagsabog sa indanan sulu, 3 sundalo, 3 sibilyan at 2 umanoy suicide bomber ang namatay.

Facebook Comments