PNP, magtataas ng alerto para sa gaganaping ASEAN Summit

Manila, Philippines – Magtataas ng alerto ang Philippine National Police para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nation o ASEAN summit sa bansa ngayong buwan.

Mula November 8 hanggang November 15 ay naka-full alert ang buong hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, iaactivate nila ang kanilang Reserved Standby Security Force sa National Headquarters para magsilbing augmentation force sa ASEAN Task Force.


Aniya maliban sa RSSF ay magpapadala rin ang bawat Regional Police Office ng tig-300 tauhan para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa gaganaping ASEAN Summit.

Sa ngayon, nanatiling walang namomonitor na anumang threat ang PNP para sa gaganaping malaking aktibidad.

Facebook Comments