PNP, mahigpit na babantayan ang mga politikong kukuha ng serbisyo ng Private Armed Groups

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabantay sa mga politiko na posibleng kumuha ng serbisyo ng Private Armed Groups (PAGs) para sa eleksyon 2022.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, inatasan na niya ang lahat ng regional directors na bantayan ang anumang galaw ng mga politiko gayundin ang galaw ng mga PAGs.

Pakiusap naman ni Carlos sa mga politiko na huwag kunin ang mga serbisyo ng PAGs para manakot ng mga botante at kalaban sa politika.


Sakaling makakuha ng sapat na ebidensiya, sinabi ng PNP na handa silang sampahan ng kaso ang mga ito.

Una nang sinabi ng PNP na may anim na aktibong PAGs ang kanilang binabantayan at nasa 138 naman ang mga potential na PAGs.

Ilang sa mga lugar na may PAGs ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang Region 2 o Cagayan Valley.

Facebook Comments