PNP, mahigpit na ipatutupad ang One Strike Policy ngayong holiday season; mga police commander na mapapatunayang may kapabayaan, maaaring matanggal sa pwesto

Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang One Strike Policy sa kanilang hanay ngayong holiday season.

Kung saan ang mga police commanders ay may pananagutan kung merong maiuulat na kaso ng tiwaling pulis at indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bibigyan niya ng 36 na oras ang lahat ng commanders upang resolbahin ang mga maitatalang kaso ng iregularidad.

Sakaling mapapatunayang may pagkukulang ang mga nasabing commanders ay masisibak ito sa pwesto at masampahan ng kasong administratibo.

Kaugnay nito, ang nasabing hakbang ng PNP ay para paigtingin ang kampanya laban sa mga pulis na gagawa ng mga iregularidad kagaya ng pagpapaputok ng baril sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.

Facebook Comments