Dadaan sa butas ng karayom ang mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) bago makapasok sa kanilang organisasyon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperon PCol. Jean Fajardo, mula sa 11,000 na mga MILF at MNLF na sumalang sa special qualifying exam ng National Police Commission (NAPOLCOM), 7,000 dito ang nakapasa at 1,000 ang may endorsement ng Bangsamoro Government.
Aniya, sa 1,000 may endorsement, 700 dito ay MILF at 300 naman ang MNLF combatants.
Mula sa nasabing bilang kukuha ang PNP ng 400 kwalipikado para punan ang kanilang quota.
Matatandaan na ang pagpasok ng MILF at MNLF sa PNP ay sakop ng Republic Act 11054 Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos ang paglagda sa peace agreement.