PNP, mahigpit pa ring babantayan ang Abra kahit wala sa kontrol ng COMELEC

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na pagbabantay sa lalawigan ng Abra kahit na hindi ito isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections (COMELEC).

Ang paglalagay ng isang lugar sa ilalim ng kontrol ng COMELEC ay nangangahulugan na may banta ng karahasan na mauugnay sa halalan.

Ayon kay PNP Directorate for Operation Director Police Major General Valeriano de Leon, inatasan na ang mga police commander na tiyaking hindi na mauulit ang insidente sa bayan ng Pilar kung saan nakipagbarilan ang mga bodyguard ng isang incumbent vice mayor na tumatakbo sa halalan.


Aniya, ang Abra ay nasa election security watchlist ng PNP batay sa kasaysayan ng karahasan sa halalan sa mga nakaraang taon.

Inamin din ni De Leon na mayroon pa ring paulit-ulit na ulat ng pagkakaroon ng mga armadong grupo at loose firearms sa lalawigan.

Facebook Comments