PNP, makikiisa sa pagtitipid ng tubig ngayong may El Niño

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na may gagawin silang hakbang upang mapaghandaan ang El Niño phenomenon.

Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na mahigpit nilang ipatutupad ang pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente sa lahat ng kampo ng pulisya.

Bahagi aniya ito ng pakikiisa ng PNP sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtipid ng tubig hindi lamang sa mga tahanan maging sa gov’t offices lalo na’t pinangangambahan ang unti-unting pagbaba ng water level sa Angat Dam reservoir.


Nabatid na inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na mabawasan ng 10 porsyento ang konsumo nila sa tubig.

Samantala, pinagtitipid na rin ng Water Resources Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga residente ng National Capital Region (NCR) at kalapit na lalawigan.

Kasunod nito, hinikayat ang publiko sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig lalo na ngayong may water crisis.

Facebook Comments