Mananatiling naka-heightened alert ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) hanggang bukas, April 11, 2023.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo kasunod na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga babalik ng Maynila at uuwi ng mga lalawigan dahil sa nagdaang holy week break.
Ani Fajardo, wala pa silang pinu-pullout na mga tauhan simula muong nakaraang linggo kung saan humigit kumulang 78,000 na mga pulis ang naka-deploy nitong nakalipas na Semana Santa.
Paliwanag pa nito, nasa matataong lugar pa rin ang mga kapulisan upang tiyakin ang seguridad tulad sa mga pantalan, paliparan, bus terminals at iba pang places of convergence.
Una nang sinabi ng PNP na generally peaceful ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa 2023.
Facebook Comments