Paiigtingin ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) ang pagpapatrolya sa Sitio Riverside Brgy. Embarcadero kasabay ng imbestigasyon upang maresolba ang reklamong pamamato sa ilang kabahayan.
Tinalakay rin sa open forum ang naturang insidente kasama ang mga opisyal ng barangay at mga residente para sa karagdagang impormasyon at bukas na ugnayan.
Sa nasabing talakayan, muli rin inihayag ng mga residente ang kanilang upang agad nang matuldukan ang kanilang pangamba para sa kanilang kaligtasan.
Katuwang din ang barangay sa patuloy na pagpapatrolya sa lugar.
Matatandaan na noon pang Oktubre, problema na umano ng mga residente ang panganib ng pamamato sa bubong ng mga kabahayan ng hindi pa rin natutukoy na gumagawa nito.
Samantala, binigyang-diin ng kapulisan ang kanilang mandato na panatilihin ang mapayapa at ligtas na kapaligiran sa lahat ng barangay at hinikayat din ang komunidad na makipagtulungan sa kanilang himpilan upang makaiwas sa anumang hindi kanais-nais na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









