PNP MANGATAREM, NAGPAALALA KAUGNAY SA PAGKAKASAKOTE NG MGA NAGNAKAW NG PITONG KAMBING NA DUMAAN SA BAYAN

Nagpaalala ngayon ang hanay ng PNP sa mga residente ng bayan ng Mangatarem ng ibayong pag iingat sa mga may mga alagang hayop.
Ayon kay Mangatarem PNP Chief of Police, Police Major Arturo Melchor Jr., isang malawak na kabukiran ang Mangatarem kung kaya’t kailangang pag – ibayuhin ng mga residente ang pag – iingat sa kanilang mga alagang hayop.
Huwag basta – basta iiwan ang mga hayop aniya ng walang bantay o kaya naman ay nakabukas ang mga kulungan ng mga ito.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal, kasunod ito ng pagkakasakote ng dalawa katao na may lulang pitong kambing na walang kaukulang papeles.
Ayon sa imbestigasyon, ninakaw ang nasabing mga kambing mula pa sa Camiling, Tarlac kung saan ay napag alaman na taga San Carlos City ang mga suspek.
Inaalam na ngayon kung sino pa ang mga kasabwat ng mga suspek matapos mapag alaman na nakasuhan na dati ang isa sa mga ito kung saan ay nakuhanan pa ang mga ito ng illegal na droga. |ifmnews
Facebook Comments