
Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang karahasang naganap sa Tipo-Tipo, Basilan na ikinasawi ng isang indibidwal kahapon ng umaga.
Lubos na nakikiramay ang PNP sa naiwang pamilya ni Ustadz Nadzmi “Bahang “ Tarahin matapos itong masawi sa naging engkwentro na nag-ugat sa local rido-related conflict.
Dahil sa nangyari, pinaiigting pa ng ahensya ang seguridad at imbestigasyon para makamit ang hustisya habang napapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Dagdag pa nito, nanawagan ang PNP na itakwil ang karahasan at paghihiganti bagkus ay suportahan ang peace and law enforcement ng ahensya kasama ng Armed Forces of the Philippines (AFP), local leaders, at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Tiniyak din ng ahensya na ipagpapatuloy nila ang pagpoprotekta sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino.









