PNP Maritime Police, susuyurin ang coastal waters ng Ilocos Sur matapos ang pagkakadiskubre sa pake-paketeng high grade shabu

PHOTO COURTESY: Efren Rambo Rafanan

Tutulong ang Maritime Police Regional Office 1 sa pagsuyod ng coastal waters ng Ilocos Sur.

Ito ay kasunod na rin nang pagkakasabat ng pake-paketeng high grade ng shabu na namataang palutang-lutang sa baybayin ng nasabing lalawigan.

Ayon kay PNP Maritime Police Director PBGen. Jonathan Cabal sinimulan na ng kanilang maritime law enforcement team sa Ilocos Sur ang paghahanap sa mga coastal barangays.


Kasunod nito, aminado si Gen. Cabal na malaking pagsubok para sa maritime police ang pagba-backtrack sa ganitong mga kontrabando lalo na’t malawak ang katubigan na kanilang binabantayan.

Matatandaang nadiskubre kamakailan ang nasa 42 pakete ng dekalidad na shabu na palutang-lutang sa baybayin ng San Juan at Caoayan sa Ilocos Sur.

Facebook Comments