PNP, mas paiigtingin ang focused police operations

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang focused police operation laban sa mga private armed groups, criminal gangs, wanted persons at gun for hire groups.

Ito ay bilang paghahanda sa pagsisimula ng campaign period ng mga local candidates kaugnay sa gagawing midterm election sa Mayo.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde na batay sa historical data maraming election related incidents ang nangyayari sa panahon ng pangangampanya ng mga local candidates dahil sa intense political rivalry.


Magsisimula ang local campaign period sa Biyernes, March 29 kung saan tutukan rin ng PNP ang pangungumpiska ng mga loose firearms at mga lumalabag sa Comelec gun ban at paghuli sa mga high value targets na sangkot sa iligal na droga.

Paalala rin ni Albayalde sa kanilang hanay na manatiling apolitical upang magkaroon ng payapa at walang dayaang eleksyon.

Facebook Comments