PNP, mas tutukan ng human rights group sa muling pangunguna sa war on drugs

Manila, Philippines – Walang problema sa Philippine National Police kung mas tutukan sila ng human rights group sa kanilang muling pangunguna sa war on drugs sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, mas maigi para sa kanila ang hakbang na ito ng human rights groups.

Dahil magtutulungan aniya ang pamunuan ng PNP at human rights groups sa pagmomonitor sa mga ikinakasang operasyon ng mga anti-illegal dru*gs *units.


Ito ay upang hindi na maulit pa ang mga naunang mga nagawang paglabag ng mga pulis habang ikinakasa ang operasyon kontra iligal na droga.

Matatandaang buwan ng Pebrero nang nakalipas na taon nang unang inalis sa PNP ang pagsasagawa ng war on drugs kasunod ng pagkakapatay sa Korean national na si Jee ick joo sa loob missmo ng Camp Crame pero pagkalipas ng isang buwan ay ibinalik agad sa PNP.

Nitong nakalipas na buwan ng Oktubre muling inalis ng pangulo sa PNP ang pangunguna sa war on drugs ito ay dahil sa sunod sunod na pagkakapatay ng mga menor de edad sa Caloocan City dahil sa operasyon ng iligal na droga.

Sa ngayon PDEA ang nangunguna sa war on drugs ng Duterte administration pero nagpahayag na ang pangulo na muli itong ibabalik sa PNP.

Facebook Comments