PNP – masaya sa resulta ng SWS survey na nagsasabing nabawasan ang mga drug user sa bansa

Manila, Philippines – Ikinatuwa rin ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing mayorya ng mga pinoy ang naniniwalang bumaba ang bilang ng mga drug users sa kanilang komunidad.

Ayon kay PNP Spokersperson Sr/ Supt. Bernard Banac – patunay ito na epektibo ang anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Naniniwala rin si Banac na nakatulong ang kampanya kontra iligal na droga sa pagbaba ng kabuuang bilang ng mga krimen sa bansa.


Tiniyak naman ng PNP na ipagpapatuloy nila ang pagtupad sa kanilang mandato nang alinsunod sa batas at may paggalang sa karapatang pantao.

Facebook Comments