Inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 12 mga bawal at paalala para sa mga deboto na dadalo sa misa sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Bawal ang walang suot na face mask at face shield
- Mahigpit na ipatutupad ang physical distancing
- Bawal ang mga batang may edad na 15 at pababa at may mga edad 65 pataas
- Bawal magdala ng bagpack at anumang uri ng matutulis na bagay
- Bawal magdala ng hindi transparent na lagayan ng inumin
- Bawal ang walang suot na panyapak
- Iwasan magsuot o magdala ng mamahaling alahas o gamit na makaka enganyo sa mga magnanakaw
- Bawal ang pagpapalipad ng drone na walang pahintulot mula sa Manila Police District
- Bawal ang paggamit ng paputok o pailaw na maaaring makadisgrasya sa mga deboto
- Pinapayuhan din ng PNP ang lahat na huwag dadalo sa selebrasyon kung nakainom o nasa impluwensya ng alak
- Ipinagbabawal rin ang magbitbit ng iba’t ibang imahe ng Santo sa loob ng simbahan at paligid nito
▪Kung meron nakikitang kahina hinalang tao na umaaligid o kahina hinalang abandonadong bag, motor at sasakyan, agad na i-report sa pulisya.
Facebook Comments