PNP, may 2 anggulo sa pagpapasabog sa isang mosque sa Zamboanga City

Dalawang anggulo ang tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – maaring ‘retaliatory attack’ ito o paghihiganti kasunod ng pambobomba sa simbahan sa Jolo, Sulu.

Aniya, matibay na senyales ito na may kakayahan ding magsagawa ng terror attack ang mga kristiyano.


Ang ikalawang tinitingnang anggulo ng PNP ay ang alitan sa pagitan ng dalawang paksyon o grupo ng Muslim sa kanlurang bahagi ng Mindanao.

Tiniyak ng security officials at mga pinuno ng iba’t-ibang non-government organizations (NGOs) na hindi na masusundan pa ang mga pag-atake sa Mindanao sa pamamagitan ng police visibility at dayalogo sa mga religious leaders.

Facebook Comments