PNP, may case build up nang ginagawa laban sa tinaguriang drug queen

Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng case build ang Philippine National Police (PNP) laban sa tinaguriang “drug queen”.

Ayon kay PNP spokesman BGen. Bernand Banac, nangangalap sila ng mga ebidensya na makapagpapatunay ng iligal na aktibidad ni Guia Gomez-Castro  upang makasuhan na ito.

Dahil nakalabas na ng bansa, sinabi ni Banac na ang tanging magagawa ngayon ng PNP ay i-update ang kanilang foreign counterpart sa mga bilateral meeting tungkol sa drug queen at mga taong konektado dito.


Samantala, sinabi naman ni Banac na handang humarap sakaling ipatawag sa Senado hinggil sa ‘agaw bato’ at ‘ninja cops controversy si PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde.

Kahapon ay inilabas ni NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar ang link diagram na nag-uugnay sa 16 na ninja cops sa naturang “drug queen.”

Sa sinasabing  “ninja cops”, 9 ang patay na, dalawa ang retirado na, dalawa ang dismissed sa serbisyo, dalawa ang AWOL at ang isa na kinilalang si corporal Jolly Aliangan, ay nasa kustodiya ng NBI matapos na maaresto sa operasyon.

Facebook Comments