PNP, may development sa kaso ng missing beauty queen na si Catherine Camilon

Maganda ang development ng imbestigasyon ng Pambansang Pulisya ukol sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamine Acorda Jr., base ito sa isinumiteng report ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa isinasagawa nilang imbestigasyon.

Dahil dito, umaasa si Acorda na kusang isusuko ng suspek ang kanyang sarili upang maibsan kahit papano ang kasong maari nilang kaharapin.


Matatandaan na una nang inihayag ng PNP na mayroon na silang person of interest kaugnay sa pagkawala ni Camilon.

Nabatid na October 12 pa napaulat ang pagkawala ni Camilon na kumatawan sa Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.

Facebook Comments