May adjustment na gagawin ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na idineklara nang under Commission on Elections (COMELEC) Control.
Ayon kay PMGen. Valeriano de Leon ng Directorate for Operations, magdadagdag sila ng mga tauhan sa mga nasabing lugar.
Ito ay mula 15 hanggang 20% depende sa pangangailangan.
Kasama sa mga isinailalim sa COMELEC Control ay ang Marawi City, Maguing, Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur at anim na bayan sa Maguindanao.
Ito ay ang Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat.
Ayon kay De Leon, kausap na niya ang director ng PNP-Special Action Force na si PMGen. Patrick Villacorte upang ihanda ang kanilang puwersa para sa deployment.
Facebook Comments