PNP, may hawak nang testigo kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero

Mayroon nang hawak na testigo ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, umaasa silang sa pamamagitan ng testigo ay mabibigyang linaw na ang nangyari at madadagdagan ang kanilang mga ebidensiya.

Sa ngayon, ilang indibidwal na ang kinasuhan ng PNP ng obstruction of justice dahil sa hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon.


Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senator Bato dela Rosa na magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee On Public Order and Dangerous drugs kaugnay dito.

Facebook Comments