Nagpaalalang muli ang Philippine National Police (PNP) sa mga debotong makikiisa sa tradisyunal na pista ng Itim na Nazareno.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo ang mga alituntuning ito ay mahigpit na ipatutupad ng mga awtoridad sa layuning maging ligtas, tahimik at mapayapa ang pagdaraos ng Traslacion 2024.
Kabilang dito ang suspensyon sa lahat ng permits to carry firearms outside of residence tatlong araw bago ang Pista ng Nazareno sa Martes.
Mahigpit ding ipatutupad ang gun ban sa Maynila mula alas-7 ng umaga ng January 8 hanggang alas-7 ng umaga ng January 10.
Gayundin ang ‘no drone o no fly zone’ at ‘no sail zone’ simula Linggo hanggang Miyerkules.
Epektibo na rin ngayong araw ang liquor ban na magtatanggal hanggang sa January 10
Ilan pa sa mahigpit na ipagbabawal sa Traslacion ay ang titinda sa paligid ng Quiapo Church; paggamit ng hoodie jackets, sumbrero, backpacks, water bottles, payong maging ng raincoats; paputok o pyrotechnics at pagdadala ng deadly o bladed weapons.
Samantala, nagpaalala rin ang PNP sa mga motorista hinggil sa umiiral na road closures at rerouting nula alas-9 ng gabi ng January 8 hanggang sa Pista ng Itim na Nazareno.