PNP, may inihandang programa para sa Women’s Month

Handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa Women’s Month celebration ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay PNP Women and Children Protection Center Director Brig. Gen. Portia Manalad, ngayong araw ang kick off ng mga programa ng PNP para sa mga kababaihan.

Ilan lamang aniya rito ang mga internal program na hawak ng DPCR at pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga kaso na nasa ilalim ng kanilang tanggapan.


Layon aniya nito na masiguro na napoprotektahan ang lahat ng kababaihan sa bansa hindi lamang ngayong buwan ng kababaihan kundi sa lahat ng oras o pagkakataon.

Giit ng opisyal, kailangang matutukan at masawata ang mga kaso ng pang aabuso sa mga kababaihan gaya ng rape, paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children at acts of lascviousness at iba pa.

Facebook Comments