PNP, may lead na sa Capistrano slay case

Mayroon nang magandang lead na sinusundan ang Philippine National Police (PNP) sa mga suspek na sangkot sa pagpatay kay Bulacan Liga ng mga Barangay President at ex-officio Board Member Ramilito Capistrano at kanyang driver.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mahigit sa isa ang suspek na tinitingnan ngayon ng PNP sa pagpatay.

Lahat na rin ng anggulo ay tinitingnan ng PNP kabilang ang pagiging board member nito, personal grudge o kaya naman ay may kinalaman sa kanyang negosyo.


Napag-alamang mayroong trucking business si Capistrano sa Bulacan.

Ang biktima ay nasa ikatlong termino na sa pagiging barangay kapitan sa Brgy. Caingin, San Rafael Bulacan.

Habang ikalawang termino naman sa pagiging ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan.

Una nang inanunsyon ng PNP PRO 3 na may binuo ng Special Investigation Task Group “Capistrano” para tutukan ang pagresolba sa kaso.

Facebook Comments