PNP, may lead na sa sinasabing pagkawala ng isang beauty queen sa Batangas

Mayroon nang sinusundang lead ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa umano’y pagkawala ng 26 taong gulang Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakausap na ng Batangas Police ang pamilya, mga kaanak at kaibigan ng biktima.

Pinuntahan na rin ng mga awtoridad ang mga lugar kung saan sinasabing huling nakita si Catherine.


Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa management ng mall kung saan nakita tin si Catherine noong October 12 ilang oras bago umano ito mawala.

Pero hindi muna aniya magbibigay ng iba pang detalye ang mga awtoridad dahil na rin sa pakiusap ng pamilya nito na sila na ang magri-reach out kay Catherine.

Una nang sinabi ng ina ng biktima na si Rose Camilon na umalis ng bahay si Catherine dakong alas-6:00 ng gabi noong October 12 kung saan ang paalam nito ay pupunta sa Batangas para umano sa meeting sa isang online media company at mula noon ay hindi na nakita at nakontak pa ang dalaga.

Facebook Comments