PNP, may “Libreng Sakay” rin sa mga medical workers at iba pang indibidwal na may mahalagang gampanin ngayong ipinatutupad sa ng ECQ

Naglunsad rin ngayong araw ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang “Libreng Sakay” para sa mga medical workers, bank employees, grocery store employees at iba pang frontline workers na exempted sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang “Libreng Sakay” ay proyekto ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa pakikipagtulungan ng PNP- Logistics Support Service (LSS).

Ang mga ruta ng ‘Libreng Sakay’ ng PNP ay ang sumusunod:


Route 1, Crame patungong Novaliches Bayan at pabalik na tumitigil sa

  • EDSA Cubao
  • East Avenue
  • Quezon Memorial Circle
  • Commonwealth
  • SM Fairview
  • Novaliches Bayan

Route 2: Crame to Antipolo via Marcos Highway at pabalik na tumitigil sa

  • EDSA Cubao
  • Marikina
  • Antipolo

Route 3: Crame to Bacoor, Cavite via Edsa/Parañaque Service Road at pabalik na tumitigil sa

  • EDSA South Bound
  • Airport Road
  • Zapote

Route 4: Crame to Valenzuela via EDSA at pabalik na tumitigil sa

  • Crame EDSA North Bound
  • Balintawak
  • Monumento
  • Valenzuela

Ayon kay Police Community Affairs and Development Group (PCADG) Director, Police Brigadier General Joselito M Daniel, na nakapaghatid na ang PNP ng mahigit 400 stranded commuters mula nang ilunsad nila ang kanilang “Libreng Sakay” ngayong araw.

Facebook Comments