PNP, may libreng sakay sa mga maaapektuhang pasahero ng SONA

May alok na libreng sakay ang Philippine National Police (PNP) para sa commuters na maaapektuhan ng road closure sa ilang kalsada sa Lunes, ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Public Information Officer (PIO) chief Police Colonel Jean Fajardo, aagapay ang PNP mobile assets para magsakay ng mga ma-i-stranded na pasahero.

Sinabi pa ni Fajardo na mayroon ding libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB maging ang Metro Manila Development Authority o MMDA.


Una nang naglabas ang MMDA ng traffic rerouting plan sa SONA ng pangulo.

Ayon sa MMDA, magkakaroon ng zipper lane sa bahagi ng Southbound portion ng Commonwealth Avenue.

Samantala, isasara naman simula alas-8:00 ng umaga ang Batasan-IBP Road sa Lunes.

Facebook Comments