PNP, may online LTOPF application na para sa mga baril

Manila, Philippines – Inilunsad ng PNP ang online application sa pagkuha ng lisensya ng baril o itong LTOPF o License to Own and Possess Firearms.

Sa isang press briefing sinabi ni FEO Chief, CSupt Cesar Binag na sa pamamagitan ng online application hindi lamang magiging mabilis ang sistema kundi magiging corruption-free na ang pagpaparehistro ng mga firearms.

Paliwanag ni Binag, sa ilalim ng sistema, mawawalan ng saysay ang mga fixers dahil magiging mabilis ang proseso at hindi na mangangailangan pa na magbayad ng ibang tao para mai-release ang LTOPF.


Sa pamamagitan ng online application, kaya umanong mai-release sa loob ng 10 minuto ang LTOPF base sa schedule na naibigay.

Itutulad sa application ng visa o passport ang online LTOPF na ibabase sa schedule of appointment.

Dagdag pa ni Binag, magiging kaparehas lang din ng requirements noon at maging ang babayarang fees ng mga applicants sa ilalim ng bagong sistema.
Para makapag-apply online kailangan lamang pumunta sa website na onlineltopf.pnp.gov.ph.

Facebook Comments