PNP, may paalala sa mga babalik ng Maynila at uuwi pabalik ng probinsya

Patuloy na nagpaalala si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa lahat ng mga biyahero partikular na sa mga gumagamit ng sariling sasakyan na magdoble ingat.

Kaugnay ito sa naitalang 11 aksidente sa kalsada ng PNP nitong Holy Week kung saan 4 ang naitalang nasawi.

Mariing paalala ng PNP chief dapat na magsagawa ng karagdagang pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas trapiko at sa speed limit upang maiwasan ang mga aksidente.


Payo pa nito, huwag magmamaneho nang nakainom at inaantok at dapat ding nakakondisyon ang katawan lalo pa’t asahan ang mabigat na daloy ng trapiko kasabay ng pag-uwi ng mga nagsipagbakasyon.

Facebook Comments