PNP, may paalala sa mga motoristang pabalik ng Metro Manila at iba pang kalapit lalawigan

Nagpaalala ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa mga motorista na maging maingat sa biyahe.

 

Ito ay para maiwasan ang anumang aksidente lalo na’t inaasahan ang pagbabalik ng mga bakasyunista nitong Semana Santa.

 

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, kailangan mayroong sapat na pahinga kung bibyahe at huwag daanin sa init ng ulo ang pagmamaneho.


 

Anya, maging kalmado lamang sa kalsada at huwag nang sabayan pa ang mainit na panahon.

 

Inaasahan ngayong araw ay magsisibalikan na sa Metro Manila at kalapit lalawigan ang ating mga kababayan dahil may pasok na bukas sa mga tanggapan.

 

Samantala, nakapagtala naman ang pnp ng tatlumpung (30) insidente ng pagkalunod na pawang naiulat na namatay lahat.

Facebook Comments