PNP, may paalala sa publiko kaugnay sa mga modus ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Patuloy ang paalala ng PhilippineNational Police (PNP) hindi lamang sa publiko kundi maging sa mgaestablisyimento na doblehin ang pag-iingat ngayong Semana Santa.
  Ayon PNP Spokesperson PSSUPT. Donardo Carlos, ang ilangestablisyimento na karaniwang target ng mga kawatan tuwing panahon ng SemanaSanta o bakasyon.
  Kabilang dito ang mga bangko, pawnshops, jewelry shops,money remittance centers at katulad na mga establisyimento.
  Payo ni Carlos, inspeksyunin ang kanilang mga drainagesystem bago umalis ngayong Semana Santa.
  Ito ay para maiwasang mabiktima ng “termite gang” na angmodus operandi ay ang maghukay sa ilalim ng mga establisyimento upang makapasoksa mga ito at makapagnakaw.
  Anya, bagaman may 75,000 na pulis silang ipapakalat paramagbantay ngayong holy week at summer, kailangan pa ring maging mapagmatyag ngpubliko.
  Pinaalalahanan niya rin ang mga aalis ng kanilang tahananpara magbakasyon sa darating na long weekend, na i-double check ang kanilangtahanan para matiyak na ligtas ito mula sa mga magnanakaw, pati na sa sunog.
 

Facebook Comments