PNP, may paglilinaw hinggil sa totoong apelyido nang sumukong gunman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na Joel Salve “Escorial” ang pangalan nang sumukong gunman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo.

Base narin ang datos sa drivers license ng suspek at sa kasong isinampa laban dito.


Matatandaang sa mga lumabas na ulat kahapon na galing mismo sa kampo krame, Estorial ang apilyedo nang suspek.

Si Escorial ay 39 na taong gulang naninirahan sa Montalban, Rizal pero sya ay tubong Leyte.

Facebook Comments