Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) kung bakit paiimbestigahan ang lahat ng 24 na mga dating PNP chief sa umano’y payola sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at pagtakas ni Alice Guo sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) chief Colonel Jean Fajardo, “very sweeping” ang mga pahayag sa pagdinig sa Senado ni dating Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) chief at ngayo’y Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Official Raul Villanueva.
Wala kasi itong nabanggit na pangalan kahit duration o tagal sa pwesto sa pagiging PNP chief.
Kaya hindi lang ang mga naluklok na PNP chief sa kasalukuyan at dating administrasyong Duterte ang damay sa imbestigasyon.
Sinabi ni Fajardo na nakipag-ugnayan na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Villanueva at inaasahan ang isang pulong para malinawan ang kanyang mga pahayag.