PNP, may payo sa mga nakabakasyon ngayong holiday

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag mag-post nang real-time sa social media ng kanilang aktibidad.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, layon nitong hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga kriminal partikular ang mga akyat bahay na samantalahin ang Pasko upang makapanloob ng mga naiwang tahanan.

Paliwanag ni Fajardo, sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, updated na rin ang iligal na gawain ng mga kawatan.


Kaya payo nito sa publiko, huwag nang i-post sa social media ang airline tickets kung magbabakasyon.

Kung hindi naman maiwasan, ay maiging mag-post na lang ng update sa social media pagkatapos ng bakasyon.

Facebook Comments