Hinihikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga testigo ng alinmang krimen na agad makipag-ugnayan sa kapulisan.
Ito ang pakiusap ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., bago sana sila magpost sa social media.
Ayon kay Azurin, kailangan nila ang tulong ng komunidad sa pagtugon sa krimen kaya naman nanawagan siya ng pagkakaisa sa kanilang peace and security program.
Tiniyak din nito na walang nangyaring krimen na nai-report sa PNP ang hindi naaksyunan.
Samantala, sinabi pa ni Azurin na sa ngayon ay pag-uusapan nila kung kailangan nilang magpa-survey sa publiko.
Layon aniya nitong pulsuhan ang taumbayan sa performance ng PNP at kung pakiramdam ba nilang ligtas sila sa lansangan.
Ani Azurin, marami kasing bumabatikos sa datos ng PNP na bumaba ang focus crime sa unang dalawang buwan ng Marcos administration.