PNP, mayroon nang vehicle of interest sa Capistrano slay case

Lumalabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) na sinurveillance si Bulacan Liga ng mga Brgy. President at ex-officio Board Member Ramilito Capistrano hanggang sa ito ay tambangan kamakailan ng hindi pa kilalang mga suspek.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office o PNP-PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, mayroon nang magandang lead na sinusundan ang Pambansang Pulisya.

Kinumpirma rin ni Fajardo na mayroon ng vehicle of interest ang pulisya at patuloy ang pagsasagawa nila ng imbestigasyon upang matukoy ang may-ari nito.


Sa ngayon, nakikipag ugnayan na sila sa Land Transportation Office para sa karagdagang detalye ng sasakyan.

Base sa CCTV footages na nakalap ng pulisya, tiniktikan si Capistrano ng mga suspek mula sa Kapitolyo at binuntutan ng 2 suspek hanggang Malolos Bulacan kung saan ito ay pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Lahat naman ng anggulo ay sinisilip ng PNP kabilang ang pagiging board member nito, personal grudge o kaya naman ay may kinalaman sa kanyang negosyo.

Facebook Comments