Nanumpa ngayong araw ang 20 bagong officers at 4,194 na mga bagong patrolmen ng Philippine National Police (PNP).
Sila ay nanumpa sa PNP National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City matapos maka-comply sa lahat ng requirements para maging police officer.
Pinangunahan ni PNP Chief General Camilo Cascolan ang panunumpa ng mga ito.
Ang 20 bagong officers ay 12 Police Captains at 8 Police Lieutenants na commissioned bilang technical officers sa ilalim ng 2017 Unified Quota Lateral Entry Program.
Ang Police Lieutenant ay makakatanggap ng buwanang sweldo na ₱49,528.00 habang ang Police Captain ay makakatanggap ng ₱56,582.00 monthly salary.
Bukod sa sweldo, mayroon pa silang subsistence allowance, clothing allowance, quarters allowance, hazard pay, cost of living allowance, at iba pang karagdagang compensation.
Ayon naman kay PNP Spokesperson, Police Colonel Ysmael Yu, ang 4,195 bagong patrolmen ay 3,471 lalaki at 726 ay babae naitatalaga sa mga Regional, Provincial at City Police Offices, Municipal Police Stations at National Operational Support Units.
Sinabi ni Yu ang bilang na ito ng mga bagong recruits ay 67.46% lamang ng 6,149 authorized quota para sa 2020 Attrition Recruitment Program.