Nakahanda na ang Philippine National Police Medical Corps na pangasiwaan ang COVID-19 Quarantine Area sa The Forum Tent sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, ang hakbang nilang ito ay bahagi ng kanilang commitment para makatulong sa kampanya kontra COVID-19.
Aniya nitong Sabado ay nagsagawa na ng Walk Thru Inspection ang mga tauhan ng PNP Health Service.
Sila ang mag-aasikaso sa mga COVID-19 patient na ipadadala sa nasabing quarantine area sa tulong ng Department of Health (DOH).
Ang The Forum Tent sa PICC ay kayang mag-accommodate ng 294 na COVID-19 Patients.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, hinihintay na lang nila ang abiso mula sa DOH kung kailan ang deployment ng mga doktor at iba pang medical staff ng PNP Health Service sa PICC Quarantine Area.