PNP Medical Reserve Force, pinadala sa mga vaccination site sa Quezon City

23

Tumutulong na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng kanilang mga Medical Reserve Force sa nagpapatuloy na vaccination program.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ipinakalat na nila ang kanilang MRF sa iba’t ibang vaccination site sa Quezon City.


Ito ay sa San Francisco High School, Project 6 Elementary School at Masambong Elementary School.

Sila ay tumutulong sa pag-administer ng bakuna, pigilan ang overcrowding at magpatupad ng health protocol.

Nabatid na ang PNP-MRF ay una nang nagamit sa PNP-operated quarantine facilities katulad ng Ultra Stadium sa Pasig City at PICC quarantine center sa Pasay City.

Facebook Comments