Umabot na sa 497 ang bilang ng mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, pinakahuli dito ang 16 na sibilyan na naaresto sa Commission on Elections checkpoints.
Nasa 11 firearms, 9 na deadly weapons at 48 na bala ng baril din ang kanilang nakumpiska.
Sa ilalim ng Resolution No. 10728, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at deadly weapons sa lahat ng pampublikong lugar na tatagal hanggang Hunyo 8.
Muli namang ipinaalala ng PNP ang maaaring kaharapin ng mga lalabag dito kabilang na ang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.
Facebook Comments