PNP: Mga pugante mula sa sinalakay na POGO firm sa Las Piñas, posible pang madagdagan

Maaari pang madagdagan ang bilang ng mga pugante mula sa sinalakay na POGO firm sa Las Piñas city noong isang Linggo.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Red Maranan, ito ay dahil sa nagpapatuloy pa rin ang profiling sa mga nasagip na POGO workers.

Sa ngayon, nasa 500 pang mga banyaga ang kailangang sumailalim sa profiling ng PNP at Bureau of Immigration.


Paliwanag ni Maranan, kaya nagkakaroon ng pagkaantala sa proseso ay dahil sa dami ng mga nasagip na banyagang POGO workers na nasa mahigit 2,000.

Nabati na nasa pitong dayuhang pugante na sangkot sa iba’t ibang krimen ang nahuli mula sa ikinasang raid.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng apat na Chinese nationals at tatlong Taiwanese kung saan sangkot ang mga ito sa fraud, drug trafficking, human trafficking at iba’t ibang scam.

Una nang i-tinurn over ang mga pugante sa Bail for Immigration Detainees at nakatakdang i-deport pabalik ng China at Taiwan.

Facebook Comments